subject
Social Studies, 27.09.2021 14:00 SmokeyRN

Si Kamamwem (Koronadal)

Isang araw nagpaalam si Kamamwem sa kaniyang ina. “Inay, ako ay mangangaso”. “Huwag kang magtatagal anak baka kainin ako ni Busaw,” ang sagot ng kaniyang ina. ”Huwag kang matatakot inay, kasi itatago kita sa ilalim ng ating bahay,” sabi niya sa nag-aalalang nanay.
“Aha! Nangaso na si Kamamwem, hahanapin ko ang kaniyang ina,”sabi ni Busaw. Pinuntahan niya ang nanay ni Kamamwem sa kanilang bahay. Tinawag niya ito ngunit hindi sumasagot ang matanda dahil sa takot. Sinundot ni Busaw ang ilalim ng bahay ni Kamamwem gamit ang isang patpat. Natamaan ang matandang babae. “Aray! Aray!” ang reklamo nito.
“Magtago ka na dahil kakainin kita,”pananakot ni Busaw. Hinila ni Busaw ang matanda nang kaniya itong makita. Nilulunok na niya ang kalahati ng katawan nito. Napatigil si Busaw nang marinig ang boses ni Kamamwem.
”Uy, uy, uy!” tawag ni Kamamwem.
“Nandiyan na si Kamamwem, iluluwa ko na ang nanay niya.” “Aray! Aray!” sabi ng Ina ni Kamamwem.”
“Anong nangyari, Inay?” nag-aalalang tanong ni Kamamwem. “Ay naku nakita ako ni Busaw! Mabuti at hindi niya ako tuluyang nakain pagkatapos niya akong lunukin ng tatlong beses.”kuwento ng ina.
“Bukas kapag mangangaso ulit ako ay itatago kita sa butas ng kurukya. Huwag kang sasagot kapag tinawag ka ni Busaw,” bilin nito sa ina.
“Oo anak,” sagot nito.
Kinaumagahan, “Uy, uy, uy!” tawag ni Kamamwem sa kaniyang alagang aso at muling umalis upang mangaso. Bigla na namang dumating si Busaw sabay tawag sa matandang babae. “Ina ni Kamamwem!” tawag ni Busaw. Hindi sumasagot ang matanda. Hinanap ito ni Busaw sa bubong ng bahay. Bumaba siya dahil hindi niya ito nakita doon. Sa kaniyang pagyuko, nakakita siya ng bahay ng kurukya. Tinusok-tusok niya ang butas. Aray! Aray! makakain na talaga ako nito ni Busaw! “ takot na sabi ng ina ni Kamamwem.
Nakita siya ni Busaw. Hinila siya at nilawayan. Sinubukan niya itong kainin ngunit hindi na naman natuloy dahil narinig niya na naman ang boses ni Kamamwem.“Ano ka ba naman Kamamwem, bakit ngayon ka pa dumating?”Gutom na ako. Lulunukin ko na sana ang nanay mo!” Sabi ni Busaw sabay luwa sa matanda.

“Muntik na naman akong kainin ni Busaw, tatlong beses niya ulit akong sinubukang lunukin,” pagkukwento ng ina.
“Humanda ka Busaw. May araw ka rin sa akin!” Galit na pahayag ni Kamamwem. “Huwag mo na akong iwan bukas anak. Baka hindi mo na ako maabutan pa,”pag- aalala ng ina.
“Ah, itatago kita sa butas ng anay. Siguradong hindi ka na doon makikita ni Busaw.”
“Uy!” Tawag ni Kamamwem sa aso habang papunta sa gubat. Pagkaalis nito ay dumating na naman si Busaw. Tumingin siya sa taas ng bahay ngunit wala siyang nakita. Patuloy siya sa paghahanap hanggang nakita niya ang mga butas ng anay. Tinusok-tusok niya ang mga butas ng poste ng bahay nina Kamamwem. “Aray!Aray !” reklamo ng matanda.
“Magaling talagang magtago ng kaniyang ina si Kamamwem!Pero mas magaling akong maghanap!” nagbubunying sabi ni Busaw. Hinila niya ang matanda palabas, nilawayan at sinubukang lunukin. Paa na lang ng matanda ang makikita. Subalit hindi niya na naman nalunok ng buo ang matanda dahil masikip na ito sa kaniyang bunganga.
“Uy!” Tawag ni Kamamwem. Dali-daling niluwa ni Busaw ang matanda nang marinig niya ang boses ni Kamamwem. Kumaripas ng takbo si Busaw at hindi alam kung saan pupunta. Hindi na nakita ni Kamamwem at tanging bakas na lang ng paa ni Busaw ang naabutan. Kasing laki ang mga ito ng dahon ng marang. “Tuluyan na sana akong nilunok ni Busaw kung hindi niya narinig ang boses mo anak,”sabi ina ni Kamamwem.
“Bukas mangangaso ulit ako Inay. Itatago kita sa aking gamit sa panghuli ng isda
na bubu (patibong ng isda)”.
“Anak, baka tuluyan na talaga ako sa pang-apat na pagtatangka ni Busaw. Kahit
saan mo ako itatago makikita niya pa rin ako,” pag-aalala ng ina ni Kamamwem.

Nangaso na naman si Kamamwem kinaumagahan. “Ngayon makakain ko na talaga ang ina ni Kamamwem!” sabi ni Busaw. “Nasaan ka ina ni Kamamwem?” tawag nito. Sa kaniyang paghahanap ay nakita niya ang matanda sa loob ng bubu. Bigla siyang pumasok dito ngunit mabilis ding nakalabas sa maliit na butas ang matanda. Naipit si Busaw sa loob dahil hindi niya kayang lumabas sa maliit na butas. Sinubukan niyang makawala ngunit hinsi siya nagtagumpay. Inabutan ni Kamamwem ang naipit na si Busaw na natusok ng mga tinik sa loob ng bubu. Pinana niya ito at tinamaan ang kaniyang nag-iisang mata

Anong uri ng pag-uugali mayroon si Kamamwem bilang isang anak? Bakit?
2. Paano nakaapekto si Busaw sa tahimik na pamumuhay ng mag –ina?
3. Anong ugali mayroon si Busaw? Magbigay ng mga patunay.
4. Tama ba ang ginawang hakbang ni Kamamwem upang maprotektahan ang ina kay Busaw? Patunayan
5. May kakilala ka bang katulad ni Busaw? Anong mga pag-uugali niya ang may pagkakatulad kay Busaw? Magbigay ng mga patunay sa sinabi

ansver
Answers: 2

Another question on Social Studies

question
Social Studies, 22.06.2019 12:00
When zhang qin went to explore west, he brought back stories of
Answers: 1
question
Social Studies, 23.06.2019 06:30
Which fundamental freedoms do citizens of both washington and the united states have in common freedom of education freedom to assemble freedom of earnings freedom of religion freedom of speech
Answers: 2
question
Social Studies, 23.06.2019 19:00
How might the distribution of oil affect the development of the united arab emirates? a) the abundance of oil has produced greater economic output.b) the lack of oil has resulted in a lower standard of living.c) although the united arab emirates has oil, it has not impacted the economic development.d) a lack of oil has little impact on the economic development of the united arab emirates.
Answers: 1
question
Social Studies, 23.06.2019 20:00
Which statement is true of an executive agreement? apex
Answers: 1
You know the right answer?
Si Kamamwem (Koronadal)

Isang araw nagpaalam si Kamamwem sa kaniyang ina. “Inay, ako a...
Questions
question
Mathematics, 26.11.2019 11:31
question
Mathematics, 26.11.2019 11:31
question
Mathematics, 26.11.2019 11:31
Questions on the website: 13722363